displaced.

would you look at that,

i abandoned another blog account. it's a fact of my life:

I

never


finish

what



I


st

tengga sa opisina.

june 3, 2008 2:57 pm
Hinahabol kita sa mga linya ng aking balat pababa sa aking dibdib kung saan huli kitang nakasama.
Sa ilalim ng kupas kong mga ala-ala na may tuyong labi, at uyaying humihikbi,
sinusundo kita gabi-gabi sa aking panaginip.
sumusunod ng nakapikit
sinusuyod ang mga pagkakataong
may permisong magpahagip
at sinusundan natin ang balangkas
ng pagpaparaya, kaliwa't kanan nating
hinihiram ang pag-asa.
hindi makaimik
mga lungkot na isinisilid
bumubulong sa ihip
kung merong babalik
magtitiyagang lulundag lundag sa pahina
ng ating maiikling kwento, ikukurba ang pagaalala
sa nakaguhit mong mukha sa loob ng mga talinghaga
sumasabay sa taludturan
kahit umiiyak na hinihimlay
ang mga galos ng nagdaan
kusang lumalapag sa katotohanan

sometimes

May 20, 2008 minsan iiyak, minsan magpupuyat minsan sisinghal, minsan magpapatawad madalas paminsan-minsan lang minsan dumadalas na nagiging palagian minsan nasasaktan laging di naiintindihan di nababasa kahit may laman kaya kumakaway na lang sa isipan mga alaala sa larawan sabay liliparin ang nakaraan nagpapaalam lumuluha kung minsan pipikit kung minsan madalas, lilimutin yung minsan tapos di alam kung pano balikan gustong gustong halikan ang minsan wala nang kapaan kung minsan nang nagdaan minsan nagwawakas minsan lumilipas nakakalungkot madalas minsan wala talagang ligtas kung sabay na hinahanap sa pisara ng nakaraan at mahimbing na lumalatag ang mga nagdaang minsan

rar naman.

May 4, 2008 "napanaginipan ko na nagtext ka. at true enough, panaginip nga lang talaga." -Ikaw i was just busy making everything around me speak to you except through my mobile. my apologies.

ang napapala sa hatian.

"mabilis ang palit ng tula ng mundo, minsan isisigaw, minsan ibubulong." -Imago hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang tumalon. sorry kung di kita nasabayan maligo sa ulan. magkukunwari nalang akong nanunuod ng saranggola, sa araw na ayaw mong ipaalam. idadasal din na sana umulan, yung mugtong alkansya kailangang matakpan. note: impromptu ito. weh. :p

just like a cardboard cut-out. happy being able to find it?

posted: May 4, 2008 "nobody's heart is perfect." -Atwood, Margaret what makes up a woman? what makes up another woman? what makes up the other woman? they say it's plain curiosity because of my screwed past. and needless to say, curiosity kills the cat. and now i'm bleeding like hell. "all i can hope for is a reconstruction: the way love feels is always only approximate." -Atwood, Margaret ++tangna lang. na all fingers will be freaking pointed at you while ikaw na nga yung uuwi ng walang bitbit-bitbit. shi tty feeling.

eych-eych.

i still remember the first time i met your fingertips, it felt like touching the hems of my dreams.